
CAUAYAN CITY – Naitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang local transmission ng COVID-19 sa dalawang bayan sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Llexter Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH region 2, sinabi niya na batay sa talaan ng Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESU) ang mga bayan ng Naguillian at Gamu ay itinuturing nang areas of local transmission.
Maituturing aniya na may local transmission kung nagkaroon ng dalawang confirmed cases ng COVID-19 positive na walang kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na infected ng virus.
Sinabi pa ni Ginoong Guzman na ang Inter-Agency Task Force (IATF) at mga local chief executives ang magpapasya upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa nabanggit na mga bayan.










