--Ads--

Hindi jet ski, hindi skydiving, at lalong hindi cruise ang birthday wish ng isang 104-anyos na lola sa New York. Ang tanging hiling ni Loretta Chamberlain ay makulong, kahit isang araw lang.

Sa halip na karaniwang handaan, nagtungo si Loretta sa Livingston County Jail para personal na maranasan kung paano maging isang preso.

Ayon kay Loretta, sadyang gusto lang niyang makita ang loob ng kulungan dahil kahit kailan ay hindi pa siya napapadpad doon.

Mainit siyang tinanggap ng jail officers na nagbigay sa kanya ng special tour. ­Ipinakita sa kanya ang ­surveillance ­system, booking chambers, at pati ang loob ng selda.

--Ads--

Sa mga litrato, kitang-kita ang tuwa ni Loretta, lalo na nang hawakan niya ang isang pares ng posas!

At dahil espesyal ang kanyang pagbisita, may bonus pang coffee at cake para sa kanya.

Ayon sa jail officers,­ ­naging masaya rin sila sa natatanging kahilingan ng lola.

Bago siya lumabas ng kulunga­n, iniwan ni Loretta ang kanyang sikreto para sa mahabang buhay, ang mag-focus sa sarili at huwag makialam sa buhay ng iba.