CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Station one ng Santiago City Police Office ang isang matanda dahil sa kasong paglabag sa Anti Child Abuse Law sa barangay Villasis, Santiago City.
Ang inatesto ay si Carlito Romero, 71 anyos, may-asawa at residente ng Purok 6, Villasis, Santiago City.
Sa pamumuno ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, acting Chief of Police ng Station 1 ng Santiago City Police Office ay isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek .
Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Cresencio Maliwat ng Regional Trial Court Branch 21, 2nd Judicial Region Santiago City sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 ( Anti Child Abuse Law ).
Makakalaya lamang si Romero kapag naglagak ng piyansang P/80,000.00.
Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Station one ng SCPO para sa kaukulang dokumentasyon.




