--Ads--

Nasawi ang isang senior citizen matapos masagasaan ng truck habang nakasakay sa bisikleta sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Claudio Rumbaoa, 67 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. San Pablo.

Siya ay nakasakay sa isang bisikleta nang mabangga mula sa likod ng isang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Rudy Antonio, 40 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. San Roque, Angadanan, Isabela.

Ayon sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Cauayan City Police Station, parehong patungong hilaga sa Poblacion ng Cauayan City ang dalawang sasakyan.

--Ads--

Nang makarating sa kurbadang bahagi ng Provincial Road sa Brgy. San Pablo, hindi inaasahang nabangga ng truck ang bisikleta ni Rumbaoa at ito ay nakaladkad ng humigit-kumulang 20 hakbang.

Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos magulungan ng nasabing truck.