--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang senior citizen matapos mabangga ng isang motorsiklo sa Dagupan, San Mateo, Isabela.

Ang 67-anyos na biktima ay kinilalang si Nestor habang ang tsuper naman ng nakabanggang motorsiklo ay si John Carlo Passion.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Salvador Reyes, pamangkin ng biktima, sinabi niya na patungo sana sa bayan ang biktima para sa payout ng senior citizen subalit habang siya ay patawid sa national highway ay dito na siya nabangga ng paparating na motorsiklo.

Nagtamo rin ng sugat ang tsuper at nilapatan din ng sugat sa pagamutan.

--Ads--

Aniya, hindi na nila naihatid pa ang kanilang tiyuhin dahil walang ibang magbabantay sa alaga nilang bata sa bahay at ayon umano sa biktima, magco-commute na lamang ito subalit nasagkot naman ito sa aksidente.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay John Carlo Passion, sinabi niya na hindi niya na gaanong namalayan ang patawid na biktima lalo na at malapit na ito sa shoulder ng daan nang mahagip niya ito.

Nag-uusap pa naman sa ngayon ang pamilya ng biktima at ang tsuper kung maaaring idaan na lamang ito sa ammicable settlement.