--Ads--

CAUAYAN CITY– Dahil sa hindi maintindihan ang dasal ng biktima ay pinatay siya ng kanyang ginagamot na magsasaka sa Barangay Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Blacio Lindawan, 72 anyos, residente ng Sitio Pappalang, Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Major Randy Carbonel, Hepe ng Ambaguio Police Station ang pinaghihinalaan ay si Jonal Ollani, 36 anyos, binata magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Kilala ang biktima ng nagsasagawa ng “baki” o mumbaki.

--Ads--

Ang baki ay isang tradisyonal na seremonya kung saan nagsasagawa ng mga ritwal upang magamot ang isang may karamdaman.

Gayunman, nagsisimula pa lamang ang manggagamot sa seremonya ng nagkainitan umano ang dalawa dahil hindi umano nito naiintindihan ang sinasabi ng matanda.

Nilalagnat at masakit umano ang katawan ng pinaghihinalaan kaya tumawag sila ng baki para sa traditional na panggagamot.

Subalit dahil hindi umano maintindihan ng pinaghihinalaan ang dasal ng biktima ay pinagpapalo sa likod ng kanyang ulo at katawan gamit ang isang kahoy.

Dali-dali namang tumakas ang pinaghihinalaan at sinabi pa sa mga kamag-anak ng biktima na nadaanan niya na “pinuruhan” na niya ang biktima…

Nagulat ang mga kamag-anak ng makitang umaagos ang dugo mula sa biktima na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Bagamat tumakas ang pinaghihinalaan ay mabilis din na naaresto ng mga otoridad sa Sitio Cablahan Ammoweg, Ambaguio, Nueva Vizcaya.