--Ads--

Patuloy na minomonitor ng State Weather Bureau ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 125 kilometro hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan, batay sa monitoring ng state Weather Bureau.Sa ngayon nagdadala ito ng maulap na papawirin sa nabanggit na lugar.


Patuloy namang nakaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, na nagdadala ng pag-ulan sa maraming lugar.


Samantala, binabantayan pa rin ng weather bureau ang Tropical Storm MUN na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa layong 2,500 km hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.


Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h at bugso na aabot sa 80 km/h habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.
Ang Ilocos Region, CAR, Cagayan Valley, Aurora ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA.

--Ads--


Ang Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro ay makakaranas naman ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa Habagat.


Ang Western Visayas at natitirang bahagi ng Luzonay maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at thunderstorm.
Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may isolated rainshowers o thunderstorms.