Isa nang tropical depression ang binabantayang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility(PAR).
Batay sa 5PM update ng DOST-PAGASA, ito ay huling namataan sa layong 1,315 km silangan ng Eastern Visayas (labas ng PAR).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70km/h. Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 30km/h.
Magpapatuloy ang northwestward na direksyon nito at papasok sa PAR bukas, Nov. 4, 2024 at tatawaging bagyong Marce. Hindi ito magbabago ng direksyon hanggang Martes at saka lamang babagal at liliko pa northward sa Myerkules.
Mula Myerkules, magpapatuloy ito sa pa-northward na direksyon sa paglapit nito sa Extreme Northern Luzon o mainland Luzon.
Bagamat malayo pa sa bansa ang bagyo ay makakaapekto na bukas ang trough o kaulapang nahahatak nito sa Eastern section ng Luzon.
Bagamat nagpapatuloy ang epekto ng northeasterly windflow sa seaboards ng Northern Luzon, asahan na ang mas malalakas na alon sa karagatan simula sa Martes kaya maaring maglabas ng Gale Warning ang PAGASA.
Habang nasa karagatan pa ang bagyo, ang mga forecast na ito ay maari pang magbago dipende sa mga weather systems na makakaapekto sa bagyo sa pagdaan ng mga araw kaya manatiling nakaantabay para sa mga updates.