--Ads--

Nakatakdang magsagawa ng 15 oras na Theoretical Driving Course ang Land Transportation Office (LTO) Cauayan sa darating na ika-22 ng Pebrero sa Magdalena Cabatuan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO Chief, Deo Salud, sinabi niya na ang bayan ng Cabatuan ang pangalawang bibisitahin nila ngayong buwan para sa nasabing programa.

Layunin nito na hikayatin ang mga motorista na mag-palisensya lalo pa at hangarin ng LTO na darating ang pagkakataon na wala ng magmamaneho na hindi lisensyado sa lalawigan ng Isabela.

Dagdag pa ni LTO Chief, sa halip na mahigit 3000 ang babayaran ng indibidwal pag sila ay magtutungo sa opisina, ngayon ay 750 pesos na lamang at ang LTO pa ang mismong lalapit sa lugar.

--Ads--

Mas pabor aniya ito sa mga motorista lalo pa at napababa na ang kanilang babayaran.

Inaabisuhannaman ang mga gustong makiisa sa theoretical driving course na magdala ng kanilang PSA, brgy indigency, valid ID, at pera.

Bukas naman ang programa sa lahat maging residente man sila ng ibang barangay.

Sa pamamagitan nito ay umaasa naman ang LTO na mahikayat ang mga motorista na kumuha ng kanilang lisensya at maging responsableng driver.