--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 ang mga Deputized Agent ng LTO kaugnay sa tamang pag-kustodiya sa mga naiimpound na sasakyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manny Baricaua, Administrative Officer ng LTO Region 2, sinabi niya na kapag nadeputized ang isang enforcer ay dapat araw-araw nyang ipasa ang kanyang apprehension report sa pinakamalapit na district o extension office ng LTO.

Kasama na rito ang mga nakumpiska niya na gaya ng lisensya at plaka gayundin ang sasakyan kung mayroon siyang naimpound.

Kailangan aniyang sa LTO dalhin ang mga ito para kung magtungo doon ang may-ari at mapatunayan na mayroon siyang paglabag ay makukuha niya rin agad kung mabayaran niya ang mga kailangan niyang bayaran.

--Ads--

Ayon pa kay Ginoong Baricaua, kung weekend naman nagsagawa ng panghuhuli ay dapat ibigay niya kaagad ang kanyang mga nakumpiska sa first working hour ng susunod na linggo.

Tinig ni Ginoong Manny Baricaua, Administrative Officer ng LTO Region 2.