--Ads--

CAUAYAN CITY- Patok ngayong Chinese New Year ang mga ibinebentang lucky charms sa ilang store sa lungsod ng Cauayan.

Ayon sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Michelle Tabor, store manager, sinabi niya na kahit hindi naman Chinese New year ay mabenta pa rin ang mga lucky charms, sadyang dumami nga lang umano ngayon dahil sa nasabing pagdiriwang.

Hindi lamang aniya mga Chinese Nationality ang bumibili maging ang mga Pilipino na rin aniya na naniniwala sa swerte.

Kadalasan aniya ay nagtatanong din sakanila ang mga kustomer kung anong ibig sabihin ng mga lucky charms at figurines na madalas binibili ng mga negosyante.

--Ads--

Dagdag pa ng manager na kahit year of the snake ang taong ito ay marami pa rin ang bumibili ng year of the ox at dragon.

Tiniyak naman niya na nananatili pa rin ang presyo sa 50-1,200 pesos sa mga sinasabit at sa figurines na mga lucky charm.