--Ads--

Kinilala ang Lungsod ng Ilagan bilang Clean Tourist City sa ASEAN Summit 2026 na isinagawa sa Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Troy Alexander Miano, Regional Director ng Department of Tourism Region 2, sinabi niya na isa itong prestihiyosong pagkilala na hindi basta-basta ibinibigay sa isang Lungsod dahil na rin sa mahigpit na mga pamantayan.

Aniya, isa nang Hall of Famer ang Ilagan City sa naturang award na iginagawad kada dalawang taon.

Ito ay bunga umano ng pagsisikap ng Lungsod na pagandahin ang kanilang serbisyo pagdating sa imprastraktura, agrikultura at turismo.

--Ads--

Binigyang-diin ni nito na ang parangal na nakuha ng Ilagan City ay hindi lamang tagumpay ng Lungsod kundi tagumpay ng Pilipinas dahil ito ay isang international recognition.