--Ads--

Itinanghal ang Pilipinas bilang world’s leading dive destination ng 2024 World Travel Awards (WTA), sa ika-anim na pagkakataong nasungkit ng bansa ang titulo, ayon  sa Department of Tourism (DOT) nitong Huwebes.

Gayundin, kinilala ng WTA ang Boracay bilang world’s leading luxury island destination, Manila bilang leading city destination, at Amanpulo bilang world’s leading dive resort.

Sa Philippine Dive Experience launch sa Anilao nitong Huwebes, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ipagpapatuloy ng DOT ang pagsusulong ng sustainable dive tourism sa bansa.

Naganap ang WTA awarding ceremony sa Atlantic islands ng Madeira noong Nov. 24.

Bukod dito, kinilala rin ng WTA ang DOT bilang world’s leading tourist board at ang City of Dreams Manila bilang world’s leading casino resort.

Noong 2023, nasungkit din ng bansa ang award bukod sa pagiging world’s leading beach destination at world’s leading city destination para sa Manila.