CAUAYAN CITY – Limang sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang mag-aaral sa isinagawang drug buy bust operation sa bayan ng Diffun
Ang suspek ay si Rico Manalang, 24 anyos, binata at residente ng Diffun, Quirino
Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Diffun Police Station, PDEA region 2 at Provincial Intelligence Branch ng QPPO si Manalang matapos makipag-transaksiyon sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nasamsam sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang itim na bag na naglalaman ng mga nabanggit na illegal na droga at buy bust money.
Dati nang tokhang surrenderee si Manalang ngunit bumalik sa pegbebenta ng illegal na droga.
Tumangging sabihin ni Manalang kung kanino niya kinukuha ang mga ibinebentang illegal na droga.
Si Manalang ay dinala sa hmpilan ng pulisya at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.




