--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isa sa mag-asawang negosyante mula sa Echague, Isabela na tinambangan sa Alfonso Lista, Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Bobby Bumanghat, investigator ng Alfonso Lista Police Station, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na nagpapautang ang mag-asawang negosyante ng mga binhi at abono sa San Juan, Alfonso Lista, Ifugao nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay MSgt Bumanghat, nasawi sa pananambang si Orlando Dumlao Jr. habang nasugatan ang kaniyang misis na si Michelle na isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

Ang mag-asawang Dumlao ay residente ng Rumang-ay Echague, Isabela.

--Ads--

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Alfonso Lista Police Station para matukoy ang suspek at malaman ang motibo sa pananambang sa mag-asawang negosyante.