--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lola habang kritikal ang kondisyon ng kanyang mister matapos silang makuryente sa Diffun, Quirino.

Ang nasawi ay si Wilhelmina Fallorina, 60 anyos habang nasa malubhang kalagayan ang mister nito na si Domingo Fallorina, 62 anyos at kapwa residente ng Andres Bonifacio Diffun, Quirino.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang namimitas ng bunga ng pananim na niyog ang mag-asawa gamit isang bakal ay nasagi umano ng lola ang live wire ng kuryente.

Nagmadali naman ang lolo na tulungan ang asawa subalit sila ay kapwa nakuryente.

--Ads--

Dead on arrival sa Quirino District Hospital ang lola habang ang kanyang asawa ang patuloy na inoobserbahan sa ospital.