CAUAYAN CITY- Nakatakdang magpakawala tubig sa Magat Dam ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System ng tubig mamayang alas kwatro ng hapon dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Nika.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na magbubukas sila ng isang spillway gate na may isang metrong opening upang masiguro na nasa safe level pa rin ang antas ng tubig sa Dam.
Patuloy kasi aniya ang pagtaas ng water inflow na umaabot sa 254 Cubic Meters per second habang nasa 187cmps lamang ang water outflow.
Gayunpaman ay nananatili namang mababa ang water elevation ng Magat Dam na nasa 181.95 lamang.
Aniya, kinakailangan nilang panatilihin ang mababang antas ng tubig dahil pinaghahandaan din nila sa ngayon ang panibagong sama ng panahon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Home Local News
Magat Dam, magpapakawala ng tubig ngayong araw
--Ads--