--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip  ang magbiyenan na kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) list dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa La Paz, Cabatuan, Isabela.

Ang mga naaresto ay sina Mario Lagat, 37 anyos, residente ng Marabulig 2, Cauayan City at Jose Jess Gonzaga, 22 anyos, truck helper at residente ng Marabulig 1, Cauayan City.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang  Cabatuan Police Station kaugnay sa pagbebenta ng shabu ng magbiyenan.

Agad na nagsagawa ng drug buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Cabatuan Police Station, operatiba ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

--Ads--

Nakabili ang nagpanggap na poseur/buyer kay Lagat ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang isang heat sealed transparent sachet, 1,000 pesos na buy-bust money, isang tricycle at isang cellphone.

Samantala, tumangging magbigay ng anumang pahayag ang mga suspek.