--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahuli ng mga otoridad ang magkaibigang sangkot sa ipinagbabawal na gamot matapos isagawa ang drug buy bust operation sa Santiago City.

Nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Phil.Drug Enforcment Agency at PNP Station 2 ng Santiago Police Office sa pangunguna ni P/Chief Insp. Reynaldo Maggay ang isang 12 anyos, residente ng Saguday,Quirino ngunit pansamantalang naninirahan sa Purok 2 Calaocan, Santiago City at si Maria Ana Elicio, 25 anyos, isang guest relation officer, naninirahan sa Purok 7, Rosario, Santiago City.

Nasamsam mula sa 12 anyos ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at P/500.00 marked money.

Kahalintulad din na hinihinalang shabu at marked money ang nasamsam kay Elicio.

--Ads--

Ang dalawa ay newly identified sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.