--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasawi ang tatlong dalagita matapos na malunod sa Magat River na nasasakupan ng Camarunggayan, Aurora, Isabela.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na sina Divine Racraquin, 14 anyos, Ethel Racraquin, 17 anyos at pinsan nila na si Faith Joy Cabanilla, 16 anyos, pawang mga residente ng Arellano, Quezon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt. Rogie Telan, Deputy Chief of Police ng Aurora Police Station na nagtungo sa kanilang himpilan ang nanay ng magkapatid na Racraquin para ireport ang kanilang pagkalunod.

Kahapon ng umaga nang maligo sa ilog ang tatlong dalagita at napunta sila sa malalim na bahagi ng Magat River na naging sanhi ng kanilang pagkalunod.

--Ads--

Natagpuan kahapon ang labi ng dalawang biktima at kaninang umaga at natagpuan ang isa sa isinagawang Search and Rescue operation ng Aurora Police Station katuwang ang mga kasapi ng Rescue 811.

Ang pahayag ni PLt. Rogie Telan, Deputy Chief of Police ng Aurora Police Station.