--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang magkapatid na pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog na sakop ng Barangay San Ignacio Lungsod ng Ilagan.

Ang mga biktima ay sina Rosita Manabat, 9 anyos, grade 3 at Mark Manabat, 6 anyos at kapwa residente ng San Ignacio Lungsod ng Ilagan.

Ang rescue team ay pinangungunahan ng mga miyembro ng rescue 1124 ng pamahalaang Lungsod ng Ilagan katuwang ang pangkat mula sa Ilagan City Police Station at kamag-anak ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng puliysa, nahulog umano sa gilid ng ilog ang nakababatang Manabat kaya tinangka siyang sagipin ni Rosita subalit sa kasamaang palad ay tinangay din ng malakas na agos ng tubig.

--Ads--