CAUAYAN CITY – Inspirasyon ng magkapatid na atletang lalahok sa 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia ang kanilang inang naka-confine sa pagamutan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Rhenel Guillermo Desuyo, tubong Cauayan City na siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Vovinam Vietnam Martial Arts habang ang kanyang kuya na si Rivier Guillermo Desuyo ay sa Kickboxing.
Bagamat nag-aalala sila para sa kanilang maysakit na ina ay puspusan pa rin ang kanilang pagsasanay bago sila lilipad patungong Cambodia sa May 2.
Naging motivation nilang magkapatid ang kanilang ina para pag-ibayuhin pa ang kanilang pagsasanay at puntirya nilang makapag-uwi ng medalya.
Sinabi niya na sa kanyang nilalahukang paligsahan ay nakakuha na siya ng isang gold, isang silver at isang bronze at sa sasalihan niyang SEA Games sa Cambodia ay puntirya niyang makapag-uwi ng gintong medalya.
Ang kanyang kuya ay matagal na ring sumasali sa international competitions at nakakapag-uwi na rin ng mga medalya.
Bago ang pagtungo ng Philippine Team sa Cambodia ay pinulong sila ni Pangulong BongBong Marcos at tiniyak sa kanila ang kanyang suporta.
Aalis sila sa Martes at ang kanilang laban ay sa May 6, 2023.
Tinig ni Rhenel Guillermo Desuyo.