CAUAYAN CITY – Iniimbestigahan ng pulisya ang ilang anggulo sa pananambang kaninang madaling sa dalawang motorsiklo na ikinasugat ng magkapatid habang nakaligtas ang mga angkas nilang dalawang bata sa Mangcuram, Ilagan City
Labimpitong basyo ng bala ng Caliber 45 ang narecover ng mga pulis sa pinangyarihan ng pananambang na ikinasawi ng magkapatid na magkapatid na sina Danny Rapisora, 45 anyos at Joel Rapisora, 40 anyos, kapwa residente San Vicente Quirino, Isabela
Nagtamo ng mga galos sa katawan ngunit mapalad na hindi tinamaan ng bala ang labing-isa at pitong taong gulang na batang lalaki na anak ni Joel Rapisora.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station, sinabi niya na papunta ang magkapatid sa kanilang trabaho sa Cabagan, Isabela nang sila ay harangin at pagbabarilin.
Noong Nobyembre 2017, ang magkapatid na Rapisora ay nagsampa umano ng kaso sa pamilya Dalit sa kanilang lugar ngunit hindi pa masabi ng pulisya kung ito ay may kaugnayan sa pananambang sa magkapatid.
Maging sa pagbaril at pagpatay noong Mayo 26, 2018 sa computer technician na si Julius Dalit.
Sinabi ni Supt. Pagalilauan na sinisiyasat nila ang lahat ng mga anggulo para matukoy ang mga salarin.




