--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihintay pa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) sa Cabatuan, isabela ang resulta ng paraffin test para malaman kung sino ang suspek sa pagbaril at patay sa isang menor de edad sa barangay San Andres, Cabatuan.

Ang biktima ay si Randel William Juan, 17 anyos, residente ng Saranay, Cabatuan, Isabela.

Tinamaan din ng bala ang kanyang kasintahan na si Jane, residente rin ng naturang barangay.

Ayon Cabatuan Police station,isinailalim sa paraffin test ang isa sa kanila.

--Ads--

Tumanggi munang ibigay ng PNP ang pagkakakilanlan ng sumailalim sa paraffin test.

Patuloy ang kanilang pagsisiyasat sa naturang pamamaril.

Maging ang mga kaibigan ng biktima na nagyaya sa kanya na lumabas ay natanong na rin ng mga kasapi ng pulisya.