--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang magpinsang drug personality sa isinagawang drug buy-bust operation kagabi ng Echague Police Station sa isang hotel sa Castillo, Echague, Isabela.

Ang mga nadakip ay ang magpinsang Richard Ismael y Macarilay, 32 anyos, binata at Jonathan Macarilay, laborer, may-asawa  at kapwa residente ng Salay, Echague, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang 500 pesos na drug buy-bust money,  tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Ang dalawang sachet ay nakuha sa pitaka ni Ismael na nasa Directorate for Intelligence (DI) list dahil nahuli na siya noon sa Alicia, Isabela ngunit nakalaya sa bisa ng plea bargaining agreement.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt Geriyell Frogoso, deputy chief of police ng Echague Police Station na nakatanggap sila ng  impormasyon mula sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)  na bumalik at malakas na magbenta si Richard Ismael kaya nagsagawa sila ng operasyon.

Positibo ang kanilang operasyon at nahuli kagabi ang magpinsan.

Nagpasalamat si PCapt. Frogoso sa pagbibigay ng impormasyon ng BADAC.

Ang tinig ni PCapt Geriyell Frogoso