--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa pagpapasya na ng mga opisyal ng paaralan kung kailan magkakaroon ng remedial class ang mga mag-aaral sa Isabela.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikansela ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at tanggapan ng pamahalaan ngayon araw dahil sa transport strike.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Superintendent Jessie Amin ng DepEd-Isabela kanyang inihayag na ngayong araw nakatakdang magsimula ang pagsusulit o exam ng mga estudyante kaya naman naapektuhan ang kanilang aktibidad.

Ngunit kanya inihayag na maaaring isagawa sa sabado ang remedial class depende na umano ito sa mga opisyal ng kanilang paaralan.

--Ads--

Sinabi pa ni Schools Division Supt. Amin na susunod na linggo mag- uumpisa ang semestral break ng mga estudyante at tanging mga guro nalang ang papasok sa paaralan.

Pinayuhan naman ni Schools Division Supt. Amin ang mga estudyante na samantalahin ngayong araw na wala silang pasok na magreview dahil mag uumpisa na ang kanilang pagsusulit sa kanilang pagpasok sa klase.