--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong pagpatay ang isang magsasaka matapos tagain sa leeg ang ama ng kanyang dating live-in partner.

Ang biktima ay si Primo Acob, 56 anyos habang ang suspek ay si Orlando de Asis, kapwa magsasaka at residente ng Sinipit, Benito Soliven, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Glanery Cabeliza, hepe ng Benito Soliven Police Station, sinabi niya na iniulat sa kanilang himpilan ang pangyayari at agad nilang tinugunan.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagtungo si Acob sa bukid ng kanyang kapatid at lingid sa kanyang kaalaman na sinundan siya ng suspek.

--Ads--

Tinaga ni de Asis nang ilang beses ang leeg ni Acob at halos maihiwalay na ang ulo sa kanyang katawan.

Ayon pa kay PCpt Cabeliza, matagal nang may alitan ang dalawa na nag-umpisa noong naghiwalay ang suspek at anak ng biktima .

Tumindi ang kanilang alitan nang kunin ng biktima ang kalabaw na iniregalo sa kanila nang magsama sila ng kanyang anak.

Kusang sumuko ang suspek sa barangay kapitan ng Sinipit, Benito Soliven, Isabela dala ang gulok na ginamit sa pananaga sa biktima.

Ang tinig ni PCpt Glanery Cabeliza