--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang magsasaka dahil sa kinakaharap na kasong bigong pagpatay sa Santiago City.
Ang dinakip ay si Andres Evangelista , nasa tamang edad at residente ng Purok Singko, Patul, Santiago City.
Ang pagdakip sa suspek ay sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Hukom Efren Cacatian ng Santiago City.
Inamin mismo ng suspek na siya ay nakipag-suntukan sa kanyang kapitbahay na muntik niyang mapatay.
--Ads--
Sinabi pa ni Evangelista na tuluyan siyang sinampahan ng kaso ng kanyang naka-suntukan.
Dalawang daang libong piso ang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.




