--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiskahan ng baril at Marijuana ang magsasaka matapos na takbuhan ang inilatag na checkpoint ng Angadanan Police Station sa Centro, Angadanan, Isabela.

Ang naaresto ay si Jomar Agustin Aquino, 26 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Angadanan, Isabela.

Ang mga miyembro ng Angadanan Police Station sa pamumuno ni Pol.Capt Francis Pattad, OIC Chief of Police ay nagsagawa ng checkpoint nang dumaan ang motorsiklo na sinasakyan ni Aquino at tinakbuhan ang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at nagalit nang hanapan ng mga papeles ng minamanehong motorsiklo at driver’s license.

--Ads--

Dahil dito nagduda ang mga pulis kaya sinuri ang laman ng kanyang sling bag at nakita ang Caliber 38 na may dalawang bala at walang serial number .

Nasamsaman din nila ang 7 na piraso ng binalot na pinatuyong dahon ng Marijuana na nakalagay sa pakete ng sigarilyo.

Ang suspek ay dinala sa Angadanan Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Si Aquino ay mahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerousd Drugs Act of 2002.