--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang magsasaka dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Barangay Marabulig Uno, Cauayan City.

Ang dinakip ay si Benjamin Garcia, 65 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station mula sa concerned citizen na hawak umano ng suspek ang baril habang nakikipag-inuman.

Naabutan naman ng mga kasapi Cauayan City Police Station ang suspek na hawak ang baril na kaagad inilapag sa mesa.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang homemade shotgun, apat na bala ng 12 gauge shotgun, isang Cal. 22 rifle at isang butter knife.

Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga na nang Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.