--Ads--
CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang magsasaka matapos isilbi ang search warrant sa kanilang bahay.
Ang suspek ay si Mark Anthony Acosta, 30 anyos at residente ng Barangay Linomot Jones, Isabela.
Nakumpiska ng pulisya sa bahay ng suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang posporo na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia.
Ang pagsisilbi ng search warrant ay sinaksihan ng mga opisyal ng barangay.
--Ads--
Nakakulong na si Acosta sa Jones Police Station.




