--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang magsasaka matapos masangkot sa aksidente noong Biyernes Santo sa Provincial road na nasasakupan ng Brgy. San Luis, Roxas, Isabela.

Ang nasawi ay si Celedonio Fernandez, 66-anyos, may-asawa, farmer, tsuper ng motorsiklo at residente ng Brgy Lanting, Roxas, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ni Fernandez sakay ng kaniyang motorsiklo ang silangang direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bumangga ito sa Toyota Innova na minaneho naman ng suspect na si Kirsten Charis Mata, 22-anyos, at residente ng Munoz East, Roxas, Isabela.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog ang biktima at nagtamo ng malalang mga sugat sa ulo.

--Ads--

Agad siyang dinala sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.