--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang nakababatang kapatid sa barangay Sto. Tomas, Naguillian, Isabela.

Ang biktima na namatay sa ospital ay si Jerry Tangonan, 48 anyos habang ang suspek ay nakababatang kapatid na si Aladin Tangonan. 44 anyos.

Ang dalawa ay kapwa magsasaka at residente ng Sto. Tomas, Naguillian, Isabela.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office o IPPO, nagtungo ang kapatid nina Jerry at Aladin sa Naguillian Police Station para i-report ang nasabing pangyayari.

--Ads--

Lasing na umuwi ang magkapatid at nagkaroon sila ng pagtatalo matapos umanong galitin at pagbantaan ni Jerry ang kanyang nakababatang kapatid.

Kumuha ng panabas si Aladin at pinagtataga nang maraming beses ang kanyang kuya na isinugod sa pagamutan ngunit binawian ng buhay.