--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos  saksakin ng isang ginang sa barangay Rogus, Cauayan City

Ang namatay ay si Oscar Garcia, 56 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Dicamay, San Mariano, Isabela habang ang  suspek ay si Nita, 50 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Rogus, Cauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station na nagkaroon ng pagtatalo at  hindi pagkakaunawaan ang mga sangkot sa bahay ni Edwin Organista na pansamantala nilang tinutuluyan.

Habang nagsasagutan ang mga sangkot ay bigla  umanong inatake ni Garcia ang ginang.

--Ads--

Dahil dito ay dinipensahan ng  ginang ang kanyang sarili at nasaksak ang magsasaka sa kanyang katawan.

Dinala sa isang pribadong ospital ang  biktima  subalit namatay  habang nilalapatan ng lunas.

Kusang sumuko ang ginang sa mga opisyal ng barangay   at  ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station.

Siya ay mahaharap sa kasong homicide.