--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng kanyang nakainuman sa Alfonso Lista, Ifugao Province.

Ang biktima ay si Melchor Respicio, 44 anyos at residente ng Little Tadian Alfonso Lista, Ifugao habang ang suspek ay si Vinancio Adriano, 50 anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang dalawa ay nag-inuman at nagpustahan sa larong billiards.

--Ads--

Nagkasundo umano ang dalawa na ang matatalo ay bibili ng mani na kanilang pulutan subalit hindi bumili ang suspek na si Adriano matapos siyang matalo.

Nauwi ang masaya sanang laro sa suntukan subalit naawat din sila ng mga kasamahan.

Nang umuwi na ang suspek sa kanilang bahay ay sinundan siya ng biktima kaya binaril niya ito sa puso gamit ang air gun na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kasong homicide ang isasampang kaso laban sa suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Alfonso Lista Police Station.