--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kasong parricide laban sa isang misis na nakasaksak at nakapatay sa kanyang mister sa kanilang bahay sa Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay si Lea Bautista, housekeeper habang ang napatay niyang mister ay si Rolly Bautista at magsasaka.

Ang mag-asawa ay kapwa 42 anyos at residente ng Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Ang ginang ay kusang sumuko sa mga tumugon na kasapi ng San Mateo Police Station matapos na masaksak ang kanyang mister dakong alas sais kagabi.

--Ads--

Isinugod sa RHU Integrated Hospital si Bautista subalit idineklarang dead on arrival.

Sinabi ng ginang na ang kanyang tatay ang kanyang kaaway ngunit lumabas sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station na ang mister ng ginang ang kanyang kaaway sa loob ng kanilang bahay.