--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos na suntukin at mabagok ang ulo sa semento  sa District 2, Benito Soliven, Isabela.

Ang biktima ay si  Roberto Inovejas , 53 anyos habang ang suspek ay si Clemencio Osalla , 53 anyos, karpintero kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Benito Soliven Police Station, sinuntok umano ni Osalla  si Inovejas na sanhi para mabagok ang ulo sa semento.

Sinubukan pa  nilang gisingin ang biktima subalit hindi na bumalik ang kanyang malay.

--Ads--

Dinala siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Inaresto si Osalla at sasampahan ng kasong pagpatay.