--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa krtikal na kondisyon ang isang magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Guwayabal, Cauayan City.

Ang biktima ay si Jose Babaran, 45 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang biktima ay galing sa kanyang bukid at papauwi na nang tamaan ng kidlat sa kanyang dibdib.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni G.  Nicolas Gammad, kamag-anak ng biktima na humihinga pa ang biktima nang dalhin sa pagamutan ngunit nagtamo ng sunog sa ulo at ibang bahagi ng katawan.

--Ads--