CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa isang magsasakang tumangay sa isang motorskilo sa harapan ng KTV Bar sa barangay San Antonino, Burgos, Isabela.
Ang ninakawan ng motorsiklo ay si Francisco Keddeng, 33 anyos, magsasaka at residente ng Caliguian, Burgos, Isabela
Ang suspek ay si Rommel Apostol, 31 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng San Roque, Burgos, Isabela.
Sa ulat ng biktima sa Burgos Police Station ang kanyang motorsiklong may plakang BA 30715 ay nakarapada sa harapan ng isang KTV Bar sa San Antonino, Burgos, Isabela nang tangayin ng suspek.
Sa kabila na naantala ang pag-uulat ng biktima sa himpilan ng pulisya ay nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at dito nadakip at nakuha mismo sa pag-iingat ng suspek ang ninakaw na motorsiklo.




