--Ads--

CAUAYAN CITY – Aalisin na ng DSWD Region 2 ang mahigit sampung libong pamilya sa Rehiyon Dos na nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD Region 2, sinabi niya na dahil sa marami ang nagtatapos sa mga benepisaryong pamilya.

Kapag wala nang paaaralin ang pamilya na edad labing walo pababa ay matatanggal na sila sa 4Ps.

Matatandaang tatlong bata lamang sa isang pamilya ang maaaring makapag aral sa ilalim ng nasabing programa ng DSWD.

--Ads--

Kapag nagtapos na sa hayskul o labing siyam na ang edad ng ng benepisaryong anak sa isang pamilya ay tatanggalin na ito ng tanggapan ituturn over naman sa ibang ahensya tulad na lamang sa employment assistance.

Ayon kay Information Officer Lozano maaari ring mismong ang pamilyang benepisaryo na ang boluntaryong mag exit kapag napapansin nilang umaangat na ang kanilang pamumuhay.

Mag eexit na rin ang household na wala nang pinag aaral na edad labing walo pababa.

Dahil mababakante ang slot na maiiwan ng benepisaryong pamilya ay hahanapan muli ng tanggapan ng bagong benepisaryo.

Sa kasalukuyan mayroon nang 10,075 household na 9% ng total household sa Rehiyon ang tuluyan nang nag exit sa programa.

Muling naghahanap ang tanggapan ng poorest of the poor families sa rehiyon na ipapalit sa naiwang slot.

Batay naman sa bagong panuntunan ng 4Ps nasa pitong taon na lamang maaaring maging benepisaryo ang isang household.

Minomonitor na rin ng tanggapan ang mga pamilyang hindi nakakasunod sa panuntunan ng programa o ang mga pamilyang ilang ulit nang lumabag tulad ng pagsusugal.

Ang bahagi ng pahayag ni Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD Region 2.