--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinaluhan ng mahigit 200 manlalaro mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang National Open and Kiddies Chess Tournament na ginaganap sa municipal Center ng Angadanan, Isabela.

Bago nagsimula ang laro ay nagparada ang mga delegado sakay ng isang 6 by 6 jample truck na binigyang seguridad ng mga kasapi ng Angadanan Police Station .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Panglawang Punong-bayan Diosdado Siquian ng Angadanan, Isabela na isa sa coordinator ng chess tournament, kanyang sinabi na na magiging tampok sa torneo ang pagkakataong makalaro ang ilang grandmaster sa bansa tulad ni Number 2 National Chess Grandmaster Joey Antonio.

Inihayag ni Number 2 National Chess Grandmaster Joey Antonio ang kanyang katuwaan dahil sa marami ang lumahok sa nasabing Chess Tournament

--Ads--

Umaasa siya na makakatuklas sila ng mga bagong manlalaro na makakasama sa pakikipagtunggali sa chess tournamanet sa iba’t ibang bansa.