CAUAYAN CITY- Aabot sa higit dalawang libong Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Citizens’ Movement for Free Elections volunteers ang makikiisa sa May 12, Elections sa Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mother Camille Marazigan ang Chairperson ng PPCRV at NAMFREL Isabela – Dioces of Ilagan, sinabi niya na kapansin pansin ngayon ang magandang growth and development ng Citizen’s Arms ng PPCRV at NAMFREL.
Aniya, aktibo sila sa pagsasagawa ng Voter’s Education, maging ang bawat parokya sa ilalim ng Diocese of Ilagan sa pangunguna ni Bishop David William Antonio.
Aktibo rin ngayon ang mga volunteers sa coastal areas ng Lalawigan ng Isabela kaya madalas silang magsagawa ng mga online meetings.
Dagdag pa niya na nananatili silang nakabantay sa anumang anumalya bilang bahagi ng Kontra Bigay Committee.
Pagdidiin ni Mother Marazigan na ang kanilang hanay ay mananatiling neutral sa sino mang politiko para sa pagsusulong ng payapaya at tapat na halalan.
samantala, naghahanda na rin ang kanilang hanay para sa pamamahagi ng mga election paraphernalia, sa katunayan ay nasa opisina na ng Social Action Center ng Diocese of Ilagan ang mga gagamiting posters, t-shirts, at ID’s ng kanilang volunteers, maging master list ng mga rehistradong botante.
Tungkulin ng mga PPCRV at NAMFREL volunteers na magsisilbi sa halalan sa Mayo kung saan sila ay nabigyan ng kani-kanilang tungkulin o mandato pangunahin ang pagbabantay sa magiging resulta ng election.
Nitong nakaraang araw ay isinagawa na rin ng NAMFREL ang online oath taking para sa mga volunteers.Naghanda din ang PPCRV ng panalangin bilang mga tagapagbantay sa eleksyon.









