Umabot na sa mahigit 21,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa nitong Linggo ng umaga, Marso 29.
Ayon sa ahensya, mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga, naitala ang 21,720 outbound passengers at 21,038 inbound passengers.
Na-inspeksyon naman ng PCG ang 173 barko at 34 motorbanca bilang bahagi ng kanilang regular na seguridad at safety checks.
Kasabay nito, ipinatupad ang heightened alert sa lahat ng PCG district, station, at sub-station mula Marso 28 hanggang Abril 5 upang masiguro ang maayos na daloy ng mga pasahero ngayong Semana Santa.
Ani PCG, “The seafaring public may coordinate with the PCG, through its official Facebook page, for inquiries, concerns, and clarifications regarding sea travel protocols and regulations during Semana Santa and Summer Vacation 2026.”










