--Ads--
Inanunsyo ng Makabayan bloc na maghahain sila ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay dating Gabriela Rep. Liza Maza, ang hakbang ay kasunod ng pormal na paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Office of the Secretary General nitong Lunes.
Sinabi ni Maza na iaanunsyo ang eksaktong petsa kapag pinal na ang paghahanda, ngunit tiniyak na mangyayari ito sa susunod na linggo, bago matapos ang one-year bar rule sa Pebrero 6.
Dagdag niya, mas nakakahiya umano ang korapsyon ng mga opisyal kaysa ang pananagutan na hinihingi ng mamamayan, at dapat ipagmalaki ang pagkilos upang papanagutin ang mga tiwaling pinuno.
--Ads--











