--Ads--

Iginiit ng Makabayan Bloc na nararapat nang sumuko sa mga awtoridad si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng iniulat na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ng grupo kasunod ng kaguluhang naganap kagabi sa Senado, kung saan napaulat din ang mga putok ng baril.

Ayon sa Makabayan Bloc sa Kamara na kinabibilangan nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Jane Elago, at Renee Co, maiiwasan ang mas matinding tensyon at karagdagang kaguluhan sa Senado kung boluntaryong haharap si Dela Rosa sa mga otoridad.

Samantala, nakilahok din sina Gabriela Women’s Party-list Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Party-list Rep. Renee Co sa isinagawang kilos-protesta sa Welcome Rotonda sa Quezon City kagabi.

--Ads--

Sa naturang pagtitipon, nanawagan ang mga ito para sa pananagutan ng mga tiwaling opisyal at agarang pag-aresto kay Senador dela Rosa kaugnay ng kinahaharap nitong kasong crimes against humanity.