Nasunog ang makasaysayang Limoges Town Hall sa Limoges, France, sa gitna ng nagpapatuloy na demonstrasyon sa bansa laban sa administrasyon nitong Sabado, Oktubre 17, 2026.
Ayon sa mga saksi, isang grupo ng mga indibidwal na nakasuot ng maskara ang nagsunog ng sasakyan ng pulisya sa labas ng gusali bago basagin ang mga bintana at pumasok dito.
Nagsimula ang sunog bandang alas-6 ng gabi at mabilis na kumalat hanggang sa bubong, dahilan upang gumuho ang kampanaryo. Magdamag na rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.
Ayon kay Limoges Prefect Maurice Barate, bumagsak ang bubong ng gusali at halos 2/3 ng bahagi nito ang nawasak.
Itinayo noong 1883 ang city hall at kinilala bilang historic landmark noong 1975.
Bukod sa sunog, ilang tindahan sa sentro ng lungsod ang nilooban din. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam kung sino ang mga nasa likod nito.





