--Ads--
Wala pa umanong natatanggap na anumang bersyon ng panukalang mag-aamyenda sa Oil Deregulation Law ang Office of the President.
Ito ang pahayag ng Malacañang kasunod ng panawagan ng mga mambabatas na i-certify bilang urgent ang naturang panukala.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi maaaring i-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang panukala kung wala pa itong opisyal na kopyang naipapasa sa kanyang tanggapan.
Dagdag pa ni Castro, agad na kikilos ang pangulo sa sandaling may dumating na panukala, lalo na kung layunin nitong baguhin o alisin ang kasalukuyang sistema sa presyo ng langis.
--Ads--











