Nagbabala si US President Donald Trump na maaari niyang ipatupad ang “complete demolition” sa mga power plant at mga tulay sa Iran kung hindi muling bubuksan ng Tehran ang Strait of Hormuz bago ang itinakdang deadline sa Miyerkules ng gabi.
Ito ay kasunod ng mga banta niya sa social media at sa ilang panayam, kung saan sinabi niyang tatargetin ng US ang mga imprastruktura ng Iran kung hindi nila makakamit ang kasunduan.
Sa kanyang mga pahayag, tinukoy ni Trump na ang Myerkules ay magiging “Power Plant Day at Bridge Day” para sa Iran kung hindi ito tutugon sa kahilingan na muling buksan ang mahalagang daan para sa internasyonal na kalakalan ng langis.
Kasabay nito, ipinahayag niya na may posibilidad pa ring makamit ang kasunduan, ngunit hindi sapat ang naging tugon ng Iran sa mungkahing ceasefire na ipinadala sa pamamagitan ng mga mediators.











