--Ads--

Isang lindol na may lakas na 5.5 magnitude ang tumama sa karagatang malapit sa Imías, silangang bahagi ng Cuba, bandang alas-7 ng umaga nitong Linggo.

Ang sentro ng lindol ay tinatayang nasa 34 kilometro mula sa baybayin ng Imías, Cuba, sa lalim na humigit-kumulang 15 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa Inagua, Bahamas, kung saan iniulat ng mga residente ang ilang segundong pag-uga ng lupa. May mga ulat din na naramdaman ito sa ilang bahagi ng Haiti.

Una itong naitala ng mga internasyonal na ahensya bilang 5.9 magnitude, ngunit kalaunan ay binago sa 5.5 matapos ang masusing pagsusuri.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala pang ulat ng pinsala o nasawi. Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at inaasahang magbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga susunod na oras.