--Ads--

Inaasahang magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang ilang linggo ng sunod-sunod na pagtaas sa halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Department of Energy (DOE), tinatayang bababa ang presyo ng diesel ng ₱20.89 kada litro habang ₱4.43 kada litro naman ang inaasahang bawas sa gasolina.

Batay sa pahayag ni Energy Secretary Sharon Garin, ang pagtaya sa rollback ay mula sa average ng international oil trading sa nakalipas na limang araw kumpara sa nakaraang linggo.

Ani Garin, ang naturang basehan ay ginagamit upang matukoy ang inaasahang galaw ng presyo sa mga susunod na oil price adjustment.

--Ads--

Bagama’t nagkakaiba-iba ang pump prices sa bawat gasolinahan, nilinaw ng DOE na ang nasabing rollback ay inaasahang magsisilbing minimum na bawas sa presyo ng langis sa Martes, Abril 14.